Magbabawas ng bilang ng mga empleyado ang AirAsia PH dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng jet fuel at hindi paborableng palitan ng foreign currencies na nagpapalaki sa operating costs ng airline.
Ayon kay AirAsia Philippines General Manager and President Atty. Anna Victoria Lu, naging napakahirap ng desisyong ito para sa kumpanya.
Kinailangan aniyang suriin at ayusin ang kanilang flight routes at frequency o dalas ng biyahe upang mapanatiling sustainable ang operasyon.
Dahil dito, nagkaroon ng malaking epekto sa bilang ng mga kinakailangang empleyado ng airline.
Kinikilala naman ng pamunuan ang magiging epekto nito sa mga maaapektuhang empleyado at kanilang pamilya.
Tiniyak ng kompanya na susuportahan ang mga ito at bibigyan ng malinaw na impormasyon habang isinasagawa ang naturang pagbabago.
RELATED STORIES:
AirAsia, nahaharap sa bantang welga matapos umanong tanggalin ang 90 piloto
AirAsia PH, nagbabala laban sa bomb jokes; 5 insidente, naitala
