Sen. Jinggoy Estrada, ipinaliwanag ang umanoy planong “pag-ban” ng Kdrama sa Pilipinas

Sen. Jinggoy Estrada, ipinaliwanag ang umanoy planong “pag-ban” ng Kdrama sa Pilipinas

IPINALIWANAG ni Sen. Jinggoy Estrada na wala syang planong magkaroon ng panukalang batas na mag-ban sa mga Kdrama sa Pilipinas.

Aniya, nasabi nya lang ito dahil sa kanyang frustration o pagka-inis na unti-unti nang humihina ang movie industry ng bansa.

Binigyang-diin nito na panahon na para bigyan ng sapat na suporta at inisyatibo ng pamahalaan ang nabanggit na sektor.

Pansin pa ng Senador, 15 taon na ang nakalipas na parang wala na aniyang gumagawa ng pelikulang Pilipino.

Si Sen. Jinggoy ay ang Vice Chairman ng senate committee on public information and mass media.

 

Follow SMNI News on Twitter