MALINAW na kung saan panig si Senador Loren Legarda ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kasunod ito sa pahayag ng senadora noong Martes, Agosto 30 sa first regular session ng Senado.
Aniya, hindi kalaban ng pamahalaan ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Para naman sa butihing Pastor, hindi tama ang naging komento ni Sen. Legarda.
Kaugnay pa nito, inisa-isa na ni Pastor Apollo ang mga ebidensya kung bakit kalaban ng bansa ang CPP.
Sa isang punto habang isinasalaysay ng butihing Pastor ang mga rason, naniniwala ito na infiltrated si Sen. Legarda.
Naunang sinabi ni Legarda sa kanilang regular session kahapon na ginagalang niya ang mga taga-CPP dahil sa magandang pananaw nito para sa bayan kahit na hindi ito nakalinya sa adhikain ng karamihan.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi nito na hindi dapat tawaging kalaban ang CPP.