Sen. Padilla hindi hihingi ng tulong kay PBBM para maipasa ang Cha-cha sa Senado

Sen. Padilla hindi hihingi ng tulong kay PBBM para maipasa ang Cha-cha sa Senado

HINDI hihingi ng tulong si Senator Robinhood Padilla kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para maipasa sa Senado ang Charter change (Cha-cha).

Sinabi ni Padilla, hindi kaya ng kaniyang prinsipyo bilang senador at committee chairman ng revision and amendments na magpasaklolo sa Pangulo na iba ang mandato.

Paliwanag pa niya, magkahiwalay na sangay ng gobyerno ang executive, judiciary, at legislative.

Pag nagmano aniya siya sa Presidente, ay lumalabas na napapasailalim sila ng executive.

Naniniwala si Padilla na mailulusot ang pag-amiyenda sa economic provision ng Konstitusyon sa committee hearing bago iakyat sa plenaryo.

Magugunitang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi maipapasa ang Cha-cha sa Senado dahil walang boto na makukuha ito sa mga senador.

Sa kabila nito ay inihayag ni Padilla, na nananatili itong tapat sa Senado at handang ipagtanggol ang Cha-cha sa plenaryo kasabay ng panawagan sa mga kapwa nito senador na pakinggan ang kaniyang paliwanag.

Follow SMNI NEWS in Twitter