Sen. Pia Cayetano, bagong chairman ng Blue Ribbon

Sen. Pia Cayetano, bagong chairman ng Blue Ribbon

SA kauna-unahang pagkakataon ay isang babae ang mangunguna sa Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations o mas kilala bilang Blue Ribbon Committee ng Senado.

Araw ng Lunes sa sesyon sa Senado ay nagmosyon si Majority Floor Leader Joel Villanueva na piliin si Sen. Pia Cayetano para sa nasabing posisyon na binakante ni Sen. Francis Tolentino.

Si Tolentino na opisyal na nagsumite ng kaniyang resignation letter sa parehong araw ay una nang inanunsiyo ‘nung nakaraang buwan ng Disyembre ang kaniyang pagbibitiw dahil sa nauna na aniyang kasunduan sa liderato ng Mataas na Kapulungan.

Ang pagkakapili kay Sen. Pia, na galing sa minorya, ay umani ng papuri mula kay Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble