MAGIGING hati ang bansa sakaling maisabatas ang panukala ni Senator Robinhood Padilla hinggil sa same-sex civil union.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Senator Koko Pimentel na ang Pilipinas ay isang bansa na hindi nakaayon ang kultura kaugnay dito kung kaya’t posibleng marami ang hindi papanig nito.
Hindi rin naman aniya ito ang dinisenyo ng Panginoon sa mundo at hindi rin konsepto ng pagpapakasal at pagpapamilya.
Mungkahi ngayon ng senador, mas mainam na tutukan ang ibang mas importante at mas napapanahong isyu kaysa sa same-sex civil union.
Ipinaliwanag naman ni Pimentel na hindi uri ng diskriminasyon ang hindi pagsang-ayon sa same-sex civil union.
Sa panig ni Padilla, ipinanukala niya ang Senate Bill 449 na may layuning bigyan ng patas na karapatan ang mga ito sa legal na pagsasama na walang diskriminasyon.