SUPALPAL kay presidential candidate Senator Ping Lacson ang panawagan ni House Deputy Speaker Lito Atienza na umatras na siya sa halalan.
Matatandaan na sa pahayag ng kongresista ay sinabi nitong seryoso nitong pinag-iisipan ang pagwi-withdraw at umaasa siya na magba-back out na rin si Lacson.
Si Senator Manny Pacquiao, sinabi na si Senate President Tito Sotto daw gusto ni Atienza bilang replacement nito.
Para kay Lacson, kabastusan ang ginawa ni Atienza.
“No, that’s kabastusan to say the least. For somebody like him na mas matanda pa sa akin, na magsasabing mag back out ang isang kandidato without even consulting, that is insulting,” pahayag ni Lacson.
Giit ni Lacson hindi siya aatras sa kaniyang kandidatura.
Pinagsabihan din nito ang kongresista na mag- aral ng GMRC dahil sa kaniyang naging masamang asal.
“I Reject his call. For the nth time, I’ll finish this race and im not backing out. I suggest that Lito Atienza should go back to school and study GMRC which law I authored. Kaya natin ibinalik ang GMRC sa elementary school para maibalik ang values sa mga filipino. Who is he to tell me to withdraw? Wala siyang personality. I am not backing out. Ilang beses ko ng sinabi yan?” ani Lacson.
Ang gusto ni Atienza ikasa ang Pacquiao-Sotto tandem para itapat sa Bong Bong-Sara team.
Samantala, maging ang tagapagsalita ni Lacson na si Ace Acedillo ay bumanat din kay Atienza.
Sa pahayag, sinabi ni Acedillo na kung gustong umatras ni Atienza sa kaniyang kandidatura ay wag na itong mandamay ng ibang kandidato.
Sinabi pa nito na wala sa posisyon si Atienza para magdemand kay Lacson sa dapat nitong gawin.
Aniya ang ginawa ng kongresista ay wala sa lugar.
“Congressman Atienza, ano bang tinatakbuhan mong posisyon, di ba Vice President? Anong lugar mo to make that demand on Sen. Lacson?” ani Acedillo.
“Kung magwi-withdraw ka, go ahead, that’s your call. Huwag kang mandamay, Cong. Lito. What you said is not only out of place, it is out of whack. Gayunpaman, magpagaling kayo,” dagdag pa ni Acedillo.