Sen. Risa Hontiveros, nais na mas palawigin pa ang coverage ng PhilHealth sa dialysis

Sen. Risa Hontiveros, nais na mas palawigin pa ang coverage ng PhilHealth sa dialysis

ISINUSULONG ni Senator Risa Hontiveros na mas dagdagan pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang dialysis coverage nito ng hanggang sa 156 sessions.

Ayon kay Hontiveros, malaki ang pasasalamat niya sa PhilHealth dahil sa pagtugon nito sa panawagan na ipagpatuloy ang coverage ng 144 dialysis coverage ngayong taon.

Ngunit aniya ay patuloy pa rin niyang isusulong na gawin na itong permanente at palawigin pa ito hanggang sa 156 sessions kada taon.

Sinabi rin ni Hontiveros na ang dialysis pa rin ang isa sa pinakamahirap at pinakamagastos para sa taumbayan na nangangailangan nito.

Isa sa priority bills ni Hontiveros sa ika-19 Kongreso ay ang Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter