Sen. Robin, kinondena ang masamang imahe ng Pilipinas sa pelikulang dayuhan

Sen. Robin, kinondena ang masamang imahe ng Pilipinas sa pelikulang dayuhan

KINONDENA ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla, araw ng Miyerkules ang masamang imahe ng Pilipinas na ipinalabas ng pelikulang dayuhan na “Plane.”

Sa kanyang manifestation, nanawagan si Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipagbawal ang pagpalabas ng pelikulang ito.

Ani Padilla, reputasyon ng Inang Bayan ang pinag-uusapan dito dahil mali ang imahe na pinapalabas ng pelikula sa pamahalaan.

Sa pelikulang “Plane,” ang bida ay nag-crash sa Jolo na diumano’y kontrolado ng rebelde – at wala na raw dito ang pwersa ng pamahalaan.

Sang-ayon si Senate President Juan Miguel Zubiri, na nais namang ipahayag ng Pilipinas ang pagprotesta nito.

Follow SMNI NEWS in Instagram