Sen. Robin may paalala sa ex-pulis na sangkot sa road rage incident

Sen. Robin may paalala sa ex-pulis na sangkot sa road rage incident

MAY paalala si Senator Robinhood “Robin” C. Padilla sa retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales, na kumasa ng baril sa isang insidenteng “road rage” noong Agosto 8.

“Ang baril ay hindi sandata para maging matapang” ayon kay Senator Robinhood “Robin” C. Padilla.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Padilla na nalungkot siya sa ginawa ni Gonzales dahil apektado ang mga responsableng gun owners.

Kaugnay nito bumilib din si Padilla sa siklistang si Allan Bandiola na naisip na proteksiyunan ang pamilya, bagama’t iginiit niya na sana hindi na maulit ang nangyari.

Hindi rin katanggap-tanggap kay Padilla ang sinabi ni Gonzales na kumasa siya ng baril dahil para hindi siya sugurin ni Bandiola.

Dagdag ng mambabatas, hindi dapat ang ganitong asal dahil dapat responsable ito bilang gun owner.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble