NANINIWALA si Sen. Robinhood Padilla na sinusuportahan ng Kamara ang People’s Initiative (PI) dahil anumang subok na baguhin ang 1987 Constitution ay hindi ito nagtatagumpay sa pamamagitan ng ibang paraan.
Noong 2023 ayon sa kaniya, hindi umuusad ang kaniyang panukala na baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent-assembly (Con-Ass).
Sa kabila rito ay nilinaw ni Padilla na hindi pa rin nito suportado ang PI dahil hindi ito sang-ayon na magkaroon ng joint voting ang Kongreso.
Para sa mga senador, madedehado sila sa botohan dahil 24 lang sila kumpara sa mahigit 300 na mambabatas sa Kamara.