SUPORTADO ni Senator Francis Tolentino ang posibilidad na ipatupad muli ang mandatoryong pagsusuot ng face mask.
Sa gitna aniya ng bahagyang pagtaas muli ng COVID cases sa Metro Manila.
Aniya, naitala na rin sa Pilipinas ang panibagong COVID subvariant na XBB.1.16 o Arcturus variant.
Buwan ng Abril nang maiulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Arcturus sa bansa.