NAIS ni Senator Raffy Tulfo na paimbestigahan ang mga umiiral na polisiya patungkol sa minimum wage hikes ng mga worker at sinabing ang huling taas sa sahod ay hindi sapat upang matustusan ang kondisyon ng mga manggagawa.
Iginiit ni Tulfo na ang bagong record ng inflation na nasa 8.7 percent noong Enero ay higit na nakaapekto sa cost of living kung kaya’t mahirap para sa manggagawa na tustusan ito ng kanilang kasalukuyang sahod.
Kung kaya’t nais nitong pag-aralan ang umiiral na minimum wage hikes sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 476.
Nakasaad sa resolusyon ang pakikiusap kay Senate Committee on Labor na pinamumunuan ni Senator Jinggoy Estrada na magsagawa ng pag-aaral patungkol sa umiiral na polisiya.
Base sa pinakahuling increase sa sahod ng mga manggagawa na ipinatupad lamang noong nakaraang Hunyo, tumaas lamang ito sa pagitan ng 30 at 110 piso.