Sen. Tulfo pinatatanggal ang super VIP treatment sa chartered flight sa NAIA

Sen. Tulfo pinatatanggal ang super VIP treatment sa chartered flight sa NAIA

SA pagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagdinig sa umano’y human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, ay ipinanawagan ni Senator Raffy Tulfo na dapat tanggalin na ang VIP treatment sa mga chartered at private flights sa NAIA.

Paliwanag ni Tulfo na ang chartered flights ay hindi dumadaan sa tamang proseso ng masusing pag-inspeksiyon tulad ng X-ray.

Dito ani Tulfo ay madaling maipuslit ang mga droga, pera at kung ano pang kontrabando.

Kaugnay rito ay inerekomenda ni Tulfo na magkaroon ng processing area para sa mga VIP tulad ng mga normal na pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram