Senado, papanagutin ang nasa likod ng People’s Initiative

Senado, papanagutin ang nasa likod ng People’s Initiative

IPINANGAKO ng Senado na hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang nasa likod ng pekeng People’s Initiative (PI).

Sa pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, talagang kuwestiyunable at may mali ang pagpapapirma rito.

Marami rin aniyang tanong sa naturang signature campaign gaya ng kung sino ang nagpondo rito.

Binigyang-diin ni Villanueva na hangga’t may nakikitang sablay ang Senado rito ay hindi sila hihinto sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sinabi pa ng senador, bunga ng kanilang karanasan ay maaaring magkaiba ang pahayag at ginagawa ng Kamara kung kaya’t nais nilang matiyak na consistent ang mga ito sa kanilang mga pinagsasabi.

Samantala, hinikayat na ng Kamara na itigil na ng Senado ang kanilang mga imbestigasyon hinggil sa PI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble