INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi pa rin nito gustong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 presidential elections.
Ito ay kahit pa inanunsyo na ng kanyang partidong PDP-Laban na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nominasyon para sa pagtakbo sa bise presidente post sa darating na halalan.
Matatandaan ang Go-Duterte tandem na isinusulong ng nasabing partido para sa 2022.
Hirit naman ni Senator Go na mas mainam na unahin na lang muna ang mga taong interesado na tumakbo sa nasabing posisyon.
“I am still not interested. Nakatutok ako sa aking tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na ating hinaharap. Bakuna muna bago pulitika. Mas mabuti unahin niyo na muna yung mga interesado na tumakbong pangulo,” pahayag ng senador.
Giit ni Go na nakatutok ito sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na dulot ng COVID-19.
Pag-uulit ng senador, bakuna muna bago pulitika.