DAHIL sa sama ng panahon, nag-emergency landing si Senator Bong Go sa Pillia, Rizal, ngayong Lunes, December 2. Nagpapasalamat si Senator Kuya Bong Go sa agarang pagresponde ng kapulisan at mga myembro ng MDRRMO ng bayan ng Pililia.
Nakatakda sana siyang magpunta sa Mabitac, Laguna para makiisa sa ribbon-cutting ceremony ng kanilang Super Health Center.
Nagbigay pa rin ng mensahe si Senator Bong Go sa mga kababayan natin sa Mabitac, Laguna sa pamamagitan ng video call.
Pero kahit na-stranded dahil sa malakas na pag-ulan, tuluy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ni Senator Kuya Bong Go sa ating mga kababayan.
Magpapatuloy si Senator Bong Go sa kanyang biyahe para suportahan ang mga kabataan sa convention ng National Youth Commission sa Nasugbu, Batangas ngayong araw.
Hindi dahil maulan ay titigil na ang pagmamalasakit ni Senator Bong Go sa mga kababayan natin, dahil naniniwala siya na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.