Senatorial campaign tracker

Senatorial campaign tracker

MALAPIT na ang 2025 midterm elections at narito na ang pinakabagong updates sa kampanya ng ating mga senatorial candidate. Alamin natin ang huling kaganapan sa kanilang pangangampanya.

Pebrero 19, kinomendahan ni Sen. Bong Go ang pagsisimula ng pagtatayo ng Our Services Building sa National Kidney Transplant Institute.

Bumisita si Atty. Jayvee Hinlo ng PDP-Laban sa Bacolod City.

Habang si Ariel Querubin at Bonifacio Bosita, inilusad ang kanilang joint campaign sa Batasan Hills, Quezon City.

Pinili nama ni Atty. Raul Lambino na mag-live sa Facebook upang talakayin ang kanyang mga platapormang isinusulong.

Nagpaunlak din si Atty. Vic Rodriguez ng panayam sa isang radio station upang ilahad ang kaniyang mga plano sakaling manalo bilang senador.

Samantala, dumalo si Sen. Francis Tolentino sa Philippine Councilors League – Northern Samar Seminar Workshop kasama ang mga lokal na lider.

Bumisita rin si Camille Villar sa Baler, Aurora.

Tumuloy naman si Bong Revilla sa Laguna kung saan nangampanya siya at nagsagawa ng motorcade.

Patuloy naman ang masigasig na pangangampanya ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Estados Unidos.

Naiikot na nila ang iba’t ibang estado tulad ng: Los Angeles, Orange County, North Hollywood, San Diego, Northern California, Delano, Las Vegas, Houston, Austin, Oklahoma, Chicago, Virginia, North Carolina, New York, at Hawaii.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble