ARESTADO ang isang 69-anyos na babae at dalawang iba pa sa loob ng hinihinalang drug den matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 2, Brgy. Tipo, bayan ng Hermosa Bataan noong Huwebes ng gabi nitong Hulyo 11.
Sa report ng PDEA team leader, nakarating sa tanggapan ni Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Racquel P. Crespo, 69, residente ng Mabini St, Purok 2, Brgy. Hermosa Bataan, Angelo Corpin, 32, residente ng Brgy. Tipo, Hermosa, Bataan; at Ariel Acedera, 25, residente ng Brgy. Tipo, Hermosa, Bataan.
Nakuha sa mga nahuling suspek ang kabuuang 5 plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 102,000.00; sari-saring mga gamit sa droga; at ang buy-bust money.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Tarlac at Bataan Provincial Offices, PDEA RSET at Hermosa MPS.
Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.