Senior Myanmar military official, pinatalsik sa pwesto

Senior Myanmar military official, pinatalsik sa pwesto

PINATALSIK sa pwesto ng Junta ang isang Senior Myanmar military official.

Pinuwersa ng Junta na bumaba sa pwesto ang judge advocate ng militar at lumipat sa reserve force.

Gayunpaman, si Lieutenant General Aung Lin Dwe ay mananatiling kalihim ng Konseho ng Administrasyon ng Estado, ang namumunong katawan ng rehimeng militar.

Si Aung Lin Dwe ay nagsilbi bilang commandant ng Defense Services Technological Academy at commander ng Western Command, na namamahala ng Rakhine State sa kanlurang Myanmar.

Ang paglipat ni Aung Lin Dwe sa reserbang puwersa ay hindi pangkaraniwan ayon sa mga political analyst.

Kadalasan ang mga matataas na military official ay inililipat sa reserbang puwersa lamang pagkatapos nilang maabot ang edad ng pagreretiro.

Noong Nobyembre ay pinilit rin ng militar ng Myanmar na magretiro sina Lieutenant General Sein Win at Lieutenant General Ye Aung, na nagsilbing Defense at Border affairs ministers sa ilalim ng pinatalsik na National League for Democracy government mula Abril 2015 hanggang Enero 2021.

SMNI NEWS