“Serbisyo Fair,” isinasagawa sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Qurino Grandstand ngayong araw

“Serbisyo Fair,” isinasagawa sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Qurino Grandstand ngayong araw

UMAARANGKADA na ang ‘Bagong Pilipinas’ rally sa Quirino Grandstand, mamayang alas-sais ng gabi na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Director Cris Villonco, kabilang sa nakalatag na government services, ang pagbibigay ng mga payout para sa mga paunang natukoy na benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang Government Service Insurance System (GSIS) ay magkakaloob naman ng eCard enrollment, verification of record, loan application at housing programs.

Habang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay magbibigay ng registration at enrollment services kasama ng information dissemination at iba pang benepisyo nito.

Ang mga serbisyo ng civil registration ay ibibigay rin ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasama ang Philippine Identification System Registration at ang ePhilID Issuance.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay magbibigay ng clearance nang walang bayad para sa mga unang job seekers.

Makikiisa rin ang Pag-Ibig Fund sa caravan na magkakaloob ng membership registration services, multi-purpose loan application, claims application, housing loan program, modified Pag-IBIG 2 (MP2) special savings program, HEAL Program, at mga katanungan sa iba pang benepisyo at mga programa.

Ipinapalawig din ng Social Security System (SSS) ang tulong sa online transactions kabilang ang claims inquiry at claims at record verification.

Habang ang Philippine National Police (PNP) ay nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng pag-iisyu ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF).

Ang pag-iisyu ng police clearance (libre para sa first time job seekers) ay isinasagawa rin ng PNP kabilang ang drug test, neuropsychiatric test, notary at gun safety seminar, at help and recruitment desks.

Ang Professional Regulatory Commission (PRC) ay magbibigay ng walk-in services tulad ng iba’t ibang exam application, petition for change of status/correction, Continuing Professional Development (CPD) at Continuing Professional Development Accreditation System (CPDA), at iba pang online transaction assistance.

Magkakaloob din ang PRC ng mga serbisyong nangangailangan ng appointment tulad ng PRC ID renewal, PRC ID at Board of Certificate, Passing and Board Rating Authenticity, at Certificate of Good Standing at Board Rating Issuance.

Para maka-avail ng Bagong Pilipinas serbisyo fair, lahat ay kinakailangang magparehistro sa https:/www.bagongpilipinastayo.com.

Ilang kalsada sa Maynila, isinara kasabay ng Kick-off Rally sa Quirino Grandstand

Sa kabilang banda, isinara na ang ilang kalsada ng Maynila kasabay ng rally sa Quirino Grandstand ngayong araw.

Ayon sa MMDA, 10 am hanggang 10 pm ngayong araw, Enero 28, ipatutupad ang road closures sa mga sumusunod na lugar:

  • Roxas Blvd. from UN Avenue to P. Burgos Ave.
  • TM Kalaw – both Sides from Roxas Blvd. to Taft Ave.
  • P. Burgos Avenue – both Sides and Finance Road
  • Ma. Orosa Street
  • Bonifacio Drive – from Anda Circle to P. Burgos Ave.

Inaabisuhan naman ang mga motorista na iwasan ang Rizal Park at lahat ng kalsadang patungo sa venue.

Nag-abiso rin ang MMDA na gamitin ang itinakdang alternate routes.

Bbukod sa mga kawani at opisyal ng  gobyerno, ay ilang celebrities at iba pang imbitadong personalidad din ang kalahok sa event.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble