HINDI na shooting star ang batikang singer at aktres na si Sharon Cuneta kundi isang falling star.
Ito ang inihayag ng kanyang fan at isang political analyst na si Prof. Anna Malindog Uy sa panayam ng SMNI News matapos punahin ni Shawie si former Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pagkanta sa kanyang awitin.
“Sa akin kasi noong nabasa ko siya, medyo na, how do you call that? Na-shock ako, parang feeling ko si Madam Shawie, by the way I just want to make it record straight, ako po ay isang Sharonian, actually lahat ng movies niya ay napanood ko. Pero, that doesn’t mean as well na nag-aagree ako sa mga pronouncement ni Ate Shawie o ni Madam Shawie. Noong nabasa ko, ano ba naman itong si Madam Shawie, from a shooting star/mega star, naging falling star ang dating,” ayon kay Prof. Uy.
Dagdag pa ni Prof. Uy, hindi na dapat siya nagkomento sa ganitong mga bagay dahil makakapagpapababa ito sa kanyang estado bilang mega star.
Bukod pa rito, hindi lamang politika ang intensyon sa pagkanta ni Panelo kundi para sa kanyang anak na may down syndrome.
Pinaliwanag din ni Prof. Uy na ang awit ng mga artista ay para sa public consumption at pwede itong awitin ninuman.
“Si Sec. Panelo ay parang humingi ng permiso na pwede niyang kantahin ang kanta, doon mismo sa may-ari ng copyright. Ang tanong ko why do you have to react on these things?’’ paliwanag ni Uy.
Una nang inihayag ni senatorial candidate Panelo na isa sa kanyang bibigyan ng pansin kapag manalo ay ang pagbibigay benepisyo sa mga batang may special needs.
Magugunitang sinabi ni Shawie na hindi niya papayagang kantahin ng iba ang kanyang mga awitin kundi para sa Leni-Kiko tandem lamang.