Sheryn Regis, naghahanda na para sa concert tour nito sa US at Canada

Sheryn Regis, naghahanda na para sa concert tour nito sa US at Canada

IPAGDIRIWANG ng OPM singer na si Sheryn Regis ang kanyang 20th anniversary sa entertainment industry sa pamamagitan ng pagdadaos ng concert tour sa United States at Canada.

Ang kanyang concert ay pinamagatang “Sheryn Regis All About” na gaganapin sa July o August ngayong taon.

Makakasama rin ng OPM singer sa kanyang tour ang iba pang OPM artist na sila Carol Banawa, Divo Bayer, Ima Castro, J Martin at Tootsie Guevarra.

Bago ang kanyang Canada at US Tour, nakatakdang samahan ni Regis si Valentine Shoe of OPM icon na si Rey Valera sa February 12 at 13 sa The Manila Hotel.

Si Regis na tinaguriang Crystal Voice of Asia ay sinimulan ang kanyang showbiz career nang sumali ito sa “Star In A Million” noong 2003 at kilala rin siya sa mga sikat na kantang “Come In Out Of The Rain”, “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”, “Sabihin Mo Sa Akin”, at “Starting Over Again”.

 

Follow SMNI News on Twitter