PATULOY na dinodomina ng “Avatar: The Way of Water” ang box-office charts kung saan opisyal na itong pumang-apat sa highest-grossing film of all time.
Ayon sa industry water na Exhibitor Relations, ang Disney/20th Century sci-fi film ni James Cameron ang nangunguna sa takilya sa 7 magkakasunod na linggo.
Ang malaking benta ng tickets sa buong mundo kabilang na ang 237 million dollar ticket sales sa China ang nakatulong sa “The Way of Water” na pumang-apat sa top-grossing film of all time na nasa 2.117 billion dollars.
Ibig sabihin, 3 sa 4 na pelikula sa top 4 grossing film ang sumailalim sa direksyon ni Cameron.
Base sa listahan ng Box Office Mojo, ang 4 na highest grossing film ay ang “Avatar” na kumita ng 2,932,706.026 dollars, “Avengers: Endgame” na kumita ng 2,799,439,100 dollars, “Titanic” na kumita ng 2,194,690,964 dollars, at “Avatar: The Way of Water” na kasalukuyang may 2,11,580,771 dollars.