NAKATAKDANG dumating sa Gaza Strip ang shipment ng mga gamot para sa mga hostage ng Hamas militant group ng Palestine.
Ito ang muling pagkakataon na nagkaroon ng kasunduan ang Israel at Hamas matapos ang isang linggong ceasefire na nangyari noong Nobyembre 2023.
Nagsilbing tagapamagitan para dito ang France at Qatar.
Sa kasunduan, sa bawat box ng gamot para sa mga hostage ay bibigyan naman ng 1-K box ang Palestinians.
Kasama rin dito ang pagakakaroon din ng delivery ng humanitarian aid para sa mga residente ng Gaza.
Sa ngayon ay nasa Egypt na ang mga gamot at ibibiyahe na lang ito papunta sa nabanggit na lugar.