Shipping lines, hinimok na magdagdag ng barko para sa Semana Santa

Shipping lines, hinimok na magdagdag ng barko para sa Semana Santa

SA susunod na linggo, partikular sa araw ng Martes at Miyerkules ay dadagsa na umano ang mga pasaherong uuwi ng kanilang mga probinsiya para sa Semana Santa.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), sa araw ng Miyerkules ay inaasahan nilang papalo sa mahigit 300,000 ang bilang ng biyahero sa mga pantalan.

PPA nagsagawa ng inspeksiyon sa Batangas Port para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Semana Santa

Ang isa sa mga dinadagsa at isa sa mga pinakamalaking pantalan sa bansa, ang Batangas Port kung saan ininspeksiyon ni PPA Gen. Manager Jay Santiago.

Ayon rito, nadagdagan na aniya ang counter para sa mga bibili ng ticket.

Ang panawagan nito sa shipping lines, magdagdag ng barko para sa convenience ng mga pasahero.

Surot, ipis, at daga sa Batangas Port, meron nga ba?

Samantala, kasunod ng isyu ng surot, ipis at daga, ang pantalan tulad sa NAIA, paniniguro naman ng PPA:

“Dito wala., sinisuguro namin… regular ang inspeksyon natin,” saad ni Jay Santiago, GM, PPA.

Ayon kay Santiago, magsasanib-puwersa ang PPA at Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagbibigay ng seguridad sa mga pasahero at pagbabantay sa pantalan.

Mahalaga aniya na alam ng dalawang ahensiya ang mga ipinatutupad na patakaran sa mga pantalan.

Ang mga biyahero, pinayuhan naman na planuhin mabuti ang kanilang biyahe upang makatiyak na makakabili sila ng ticket.

Tiyakin din aniya ng mga ito kung ano ang mga bawal at hindi sa mga pantalan para hindi maaberya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble