Show cause orders ilalabas ng LTFRB vs. operators na may mga driver na positibo sa ilegal na droga

Show cause orders ilalabas ng LTFRB vs. operators na may mga driver na positibo sa ilegal na droga

MAGLALABAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga show cause order laban sa ilang operators na may mga drayber na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Kasunod ito ng isinagawang nationwide screening ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Abril 16, 2025 sa ilalim ng “Oplan Harabas”.

Sa datos ng LTFRB, mula sa 3,270 na indibidwal na sumailalim sa pagsusuri, 84 na mga drayber ng pampublikong sasakyan at dalawang konduktor ang nagpositibo.

Kabilang sa mga bumagsak ay 13 drayber ng bus; isang drayber ng mini-bus; 19 na drayber ng jeepney; 47 na drayber ng tricycle; isang drayber ng taxi; dalawang motorcycle taxi riders; at 11 drayber ng UV Express.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble