KAHINA-hinala ang ginawang executive session ng Kamara sa imbestigasyon laban kay ‘Sibuyas Queen’ Leah Cruz.
Ito ang sinabi ni Dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ayon kay Roque, hindi na tuloy narinig ng publiko kung ano ang modus ng tinutukoy na ‘Sibuyas Queen’.
Naniniwala si Roque na posibleng marami pa ring kaibigan si Cruz dahilan para itago ang imbestigasyon sa publiko.
Inihayag din ni Roque na batay sa impormasyong ibinigay sa kaniya, binibili ni Cruz ang aning sibuyas ng mga lokal na magsasaka sa mababang halaga pero pinapabulok lang sa kanilang storage.
Ito’y para maideklarang ubos na ang suplay ng sibuyas at maaari nang mag-angkat ang gobyerno kung saan siya ang magiging supplier.
Ipinunto naman ni Roque na dapat ngayon ay may kaso nang isinampa kay Cruz at dapat ay habambuhay na itong makukulong sa Mandaluyong kasama ni pork barrel ‘Scam Queen’ na si Janet Napoles.