MARAMI-raming sikat na personalidad ang hindi naisama sa nominations ngayong taon sa Oscars.
Halimbawa sa iilang hindi naisama ay si “Avatar: The Way of Water” Director James Cameron bilang best director.
Maging ang sikat na aktor na si Tom Cruise para sa palabas na “Top Gun: Maverick” ay hindi rin naisama sa best actor nominations.
Sa kabila nito ay napasama naman ang palabas ni Director James Cameron at Tom Cruise sa 10 nominees para sa best picture.
Samantala, ang A-list stars na sina Margot Robbie at Brad Pitt para sa “Babylon, La La Land” ay nai-snub din.
Si Taylor Swift na nakailang Grammy Awards na ay hindi rin naisali sa Oscars nominations at ang kanta nitong “Carolina” para sa palabas na “Where the Crawdads Sing” ay hindi nanalo bilang best original song.
Ilang taon nang binabatikos ang Oscars dahil umano sa kakulangan ng pagkaiba-iba ng kanilang nominees.