Silbato at batuta, gagamitin ng PNP ngayong BSKE 2023

Silbato at batuta, gagamitin ng PNP ngayong BSKE 2023

BILANG tugon sa ipinatutupad na maximum tolerance laban sa mga masasamang indibidwal, tuluyan nang ibabalik ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng silbato at batuta.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa panayam ng media sa Kampo Krame.

Ani Acorda, iniutos nito sa ground commanders na ipatupad ang paggamit ng silbato at batuta para maiwasan ang aksidente ng pamamaril ng mga pulis lalo na sa mga walang kalaban-laban na mga indibidwal o pinaghihinalaang suspek sa krimen.

Bahagi rin anila ito ng pagtitiyak na hindi magiging marahas ang mga kapulisan sa Barangay at SK Elections depende na lang sa mga barangay sa bansa na nasa ilalim ng red category na kailangan ng mas malaking pwersa ng pulisya.

Follow SMNI NEWS on Twitter