‘Simultaneous Citywide Sabado Linis Day’, ikinasa ng Mandaluyong City Government nitong weekend

‘Simultaneous Citywide Sabado Linis Day’, ikinasa ng Mandaluyong City Government nitong weekend

IKINASA ng Mandaluyong City Government ang ‘Simultaneous Citywide Sabado Linis Day’.

Ayon kay Vice Mayor Menchie Abalos, ilan sa kanilang binigyang pansin ay ang paglilinis ng kalsada, pag-aalis ng basura at pagsasaayos ng mga baradong kanal upang hindi mapamahayan ng lamok.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Abalos sa opisyal ng Brgy. Addition Hills at sa mga residente na naging bahagi ng nasabing aktibidad.

Hinihimok naman ng bise alkalde ang mga residente ng Mandaluyong na panatilihing maayos at malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng lamok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter