SINAG, hindi kumbinsido sa datos ng USDA na top importer ng bigas ang Pilipinas

SINAG, hindi kumbinsido sa datos ng USDA na top importer ng bigas ang Pilipinas

HINDI na ikinagulat ng mga grupo ng magsasaka ang pagtukoy ng United States Department of Agriculture (USDA) sa Pilipinas bilang bagong top rice importer sa mundo.

Sa report ng USDA, tinatayang aabot sa 3.8 million metric tons ng bigas ang aangkatin na bigas hanggang 2024.

Mas malaki ito kumpara sa aangkating bigas ng Tsina na nasa 3.5 million metric tons.

Noong 2008, ang Pilipinas ay patuloy na bumili ng mas malalaking volume ng bigas habang tumataas ang mga presyo hanggang ngayong taon.

“In 2008, the Philippines continuously bought larger volumes as prices escalated; this year, it is delaying purchases, awaiting lower prices. In the past week, prices started to decline from their peaks,” pahayag ng USDA.

Ayon kay Federation of Free Farmers (FFF) National Manager Raul Montemayor, maituturing na reyalidad na ito lalo’t hindi sapat ang produksiyon sa Pilipinas kaya ang pangunahing solusyon na nakikita ng pamahalaan ay ang pag-aangkat ng bigas.

Aniya, ang Pilipinas ay isang agricultural country pero tila tayo pa ang may pinaka-maraming bibilhing bigas sa ibang bansa.

Ani Montemayor, patunay lang ito na umaasa ang administrasyon sa pag-aangkat para mapunan ang kakulangan ng produksiyon sa bansa.

“The implications there, because we are more reliant on imports so we will have to be subjected to price movements into  the international market.”

“Ang tama niyan ay sa magsasaka kasi bababa ang presyo ng kanilang palay then they will not plant a lot and then the next cycle ay lalaki na naman lalo ‘yung importation natin. So, parang it’s like a endless cycle, we have a shortage, we import the shortage increases because the production cannot pick up and then we have to import a lot,” ayon kay Raul Montemayor, National Manager, FFF.

Hindi naman naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa datos na inilabas ng USDA.

Punto ni So, pinagbatayan ng USDA ang pag-aaral sa nakalipas na importasyon ng Pilipinas.

Ang pag-angkat na bulto-bulto noon ay bunsod ng national election kung saan sandamakmak ang binili upang ipamigay na ayuda.

Sinabi ni Rosendo So, chairman ng SINAG na maaaring papalo lang sa 3 milyong metriko tonelada ng bigas ang aangkatin ng bansa hanggang sa susunod na taon.

“This year, nakikita lang natin is maximum ay aabot lang tayo ng 3 milyon kasi ‘yung pagbili ng bigas sa other countries like Vietnam and India nag tighted ‘yung pagbenta nila kasi pinu-project din nila ibebenta nila up to the end of the year,” wika ni Rosendo So, Chairman, SINAG.

Datos na umano’y top importer ng bigas ang Pilipinas, pinabulaanan ng DA

Paglilinaw naman ng Department of Agriculture na hindi nila nakikita na aabot sa 3.8 million metric tons ang aangkating bigas ngayong taon taliwas sa inilabas na report ng USDA.

“We expect to import much less than USDA’s 3.8 MMT projected rice import in 2023,” saad ni Usec. Leocardio Sebastian, Rice Industry Development, DA.

Punto ni Undersecretary Leocardio Sebastian ng Rice Industry Development ng DA, pinalalakas ng pamahalaan ang lokal na produksiyon.

Kailangan aniya itong tutukan dahil mataas ang presyo ng imported na bigas, at wala aniyang kasiguraduhan sa suplay kung magdedepende lang sa ibang bansa.

“We also expect that with the intensified efforts to produce more rice locally, we will import less than the projected 3.8 MMT in 2024.  The uncertainty of depending on external sources for our staple and the high price of imported rice makes it imperative for us to produce more locally,” ani Sebastian.

Follow SMNI NEWS on Twitter