BINALAAN ang mga biyahero na dadaan sa Singapore checkpoints na huwag nang magsuot o magpakita ng mga gamit na maaaring maiuugnay sa Israel-Hamas conflict.
Ayon ito sa Immigration and Checkpoints Authority (ICA).
Sinabi ng Ministry of Home Affairs ng Singapore na ang pag-display ng isang foreign national emblems na walang permiso ay isang paglabag sa ilalim ng kanilang Foreign National/Emblems Act 1949.
Ang paglabag ay maaaring makukulong ng hanggang anim na buwan at pagmumulta ng hanggang 500 Singaporean dollars.