Singil ng kuryente ngayong Hunyo, tataas—Meralco

Singil ng kuryente ngayong Hunyo, tataas—Meralco

TATAAS ang singil ng kuryente ngayong Hunyo.

Ayon sa Meralco, ito’y dahil sa mawawala na ang P0.87 na refund na napakikinabangan din ng mga konsyumer sa loob ng isang taon.

Matatandaang ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco noong Hulyo 2022 ang pasisimula ng P22-B na refund.

Sa kabila nito ay nakikita ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi rin gaano kataas ang magiging singil sa Hunyo na billing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter