TATAAS ngayong buwan ng Abril ang singil sa kuryente.
Sa anunsyo ng Meralco, nasa pitumpu’t dalawang sentimos ang dagdag sa kada kilowatt-hour.
Katumbas ito ng dagdag na isandaan at apatnapu’t limang pisong bayarin para sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt-hour.
Dalawangdaan at labing anim na piso para sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt-hour at tatlongdaan at animnapung piso sa mga kumukunsumo ng 500 kilowatt-hour.
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na may taas-singil ang Meralco.
Ang dagdad-singil ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market.
Follow SMNI News on Rumble