Single ticketing system, tantsang maipatutupad sa buong NCR matapos ng ilang linggo—Mayor Zamora

Single ticketing system, tantsang maipatutupad sa buong NCR matapos ng ilang linggo—Mayor Zamora

INAASAHAN ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora na sa mga susunod na linggo ay maipatutupad na ang Single Ticketing System sa buong Metro Manila.

Paliwanag ni Zamora na sa 7 lungsod muna unang isinagawa ang pilot run ng single ticketing system upang masiguro na seamless ang bagong sistema bago ipatupad sa buong rehiyon.

Kabilang sa 7 lungsod ay ang Manila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela, at San Juan.

Dagdag pa ni Zamora na wala namang dapat ikabahala ang mga motorista sa bagong sistema kung sila ay sumusunod sa batas trapiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter