TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na sa unang bahagi ng 2023 mai-roll out ang single ticketing system.
Ayon kay LTO chief Asec. Jose Arturo Tugade, ginagawa na nila ang draft memorandum circular para dito at inaantay na lang ang feedback ng kanilang program partners.
Sakaling maipatupad na ito ay inaasahang makakatulong itong masolusyonan ang malalang road at traffic conditions sa bansa.
Partikular na sa mga driver na iresponsable ayon sa LTO.
Pare-pareho na rin ang magiging multa sa bawat LGU.