Ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ipinagdiriwang ngayong araw

Ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ipinagdiriwang ngayong araw

IPINAGDIRIWANG ngayong araw, Nobyembre 30 ang paggunita sa ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument sa lungsod ng Caloocan.

Nakabantayan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang seguridad sa lugar.

Tinatayang nasa 2,000 ang dadalo sa okasyon na kinabibilangan ng government officials, Caloocan City LGU officials at employees, at mga miyembro ng Diplomatic Corps.

Kasama rin dito ang mga guro, mga estudyante, mga beterano, mga miyembro ng non-government organizations, at iba pang imbitadong panauhin.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang, “Araw ni Bonifacio 2022: Kabayanihan at Pagtindig sa Makabagong Panahon.”

 

Follow SMNI News on Twitter