Sinibak na hepe ng PNP-AKG muling ibinalik sa puwesto 

Sinibak na hepe ng PNP-AKG muling ibinalik sa puwesto 

MULING ibinalik sa puwesto bilang pinuno ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) si Col. Elmer Esquivel Ragay epektibo nitong Marso 3, 2025.

Matatandaang inirekomenda ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsibak kay Col. Ragay dahil sa umanong kwestiyunableng operasyon nito sa kaso ng dinukot na estudyante ng British School sa Maynila.

Pinagpapaliwanag ngayon ang PNP-AKG kung bakit at paano naidokumentong “rescue” ang operasyon gayong kamag-anak rin mismo ang sumagip at nakakita sa batang biktima.

Sa kabilang banda, sinasabi rin na walang abiso o basbas mula sa COMELEC ang pagsibak kay Col. Ragay gayong bahagi ng kapangyarihan ng COMELEC ang koordinasyon sa PNP sa ahensiya bago gumawa ng anumang hakbang bilang lead agency ngayong panahon ng halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter