TINALAKAY nina Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. at Japanese Defense Minister Yasukasu Hamada ang security developments sa rehiyon kabilang ang sitwasyon sa South at East China Sea.
Ito ay kasabay ng kanilang pagkikita sa Hawaii, USA.
Sa pulong ng dalawang opisyal, pinag-usapan nila ang mga paraan upang mapalakas ang bilateral defense cooperation sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maritime cooperative activities, technology transfers, at dialogo sa pagtugon sa security challenges at advance cooperation.
Nagkasundo rin sila na suporta ng Pilipinas at Japan ang isa’t isa upang matiyak ang isang secure at stable environment.
Samantala, tinalakay din nina Faustino at Hamada ang mga napag-usapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa larangan ng defense at security sa sidelines ng UN General Assembly sa New York, USA.