DUMATING na sa Pilipinas ang Slovenian Deputy Prime Minister nitong Lunes, 10 Marso 2025.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa bansa ang isang Slovenian Foreign Minister.
Sa pagbisita ng Foreign Minister na si Tanja Fajon sa Pilipinas, ay makikipagkita ito sa Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) para talakayin ang iba’t ibang larangan gaya ng trade and investment, science and technology, nuclear energy, maritime cooperation, sports at labor.
Pormal ding bubuksan ng Slovenian Foreign Minister ang isang embahada ng kanilang bansa rito sa Pilipinas.
Ang magiging embahada sa Pilipinas lang din ang kanilang diplomatic mission sa buong Southeast Asia.
Ang pagbisita ng Foreign Minister ay magtatagal hanggang sa Miyerkules, 12 Marso.