NAGLABAS na ang San Miguel Corporation (SMC) ng kanilang holiday schedules.
Magsisimula ang toll holidays ng 10 PM sa December 24 at magtatagal hanggang 6 AM sa December 25.
Ayon ito mismo kay SMC President and Chief Executive Officer Ramon Ang.
Sa December 31 ay may toll holidays din simula 10 PM hanggang 6 AM sa January 1, 2023.
Paalala ni Ang sa mga motorista, i-plano na nila ang magiging biyahe nila ngayong holiday season upang makaiwas ng mahaba-habang delay.
Nag-deploy na ang SMC ng karagdagang traffic management personnel sa lahat ng kanilang tollways para ma-assist ang mga motorista at upang mamamahala sa daloy ng mga sasakyan sa exit points.
Naglunsad din sila ng Seamless Southern Tollways kung saan imbis 5 ang toll stops ay magiging 2 na lang para sa bibiyahe sa pamamagitan ng Skyway, SLEX at Star.