SMNI debates, naging daan para makita ang kaalaman ng mga kandidato hinggil sa foreign policy- Political analyst

SMNI debates, naging daan para makita ang kaalaman ng mga kandidato hinggil sa foreign policy- Political analyst

MALAKING saludo ang ipinaabot ni Professor at Political Analyst Clarita Carlos sa mga dumalong kandidato sa SMNI presidential debates.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ng propesor na nakitaan niya ito ng matinding “endurance” sa pagsagot sa mga napapanahong isyu sa bansa.

Sa pamamagitan naman ng naturang debate, ibinahagi ni Carlos na mayroon siyang nakikita sa mga kandidato na malalim ang pag-unawa sa foreign policy issue.

Samantala, umaasa naman si Carlos na dumalo ang apat na kandidatong hindi dumalo sa SMNI Presidential Debates Part 2 na gaganapin sa Marso.

Magugunitang ang hindi dumalo ay sina Manila Mayor Isko Moreno, vice president Leni Robredo at Senator Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Follow SMNI NEWS on Twitter