DILG, sisilipin ang posibleng mga nalabag sa Batangas rally ni Manila Mayor Isko Moreno

DILG, sisilipin ang posibleng mga nalabag sa Batangas rally ni Manila Mayor Isko Moreno

TITINGNAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibleng mga paglabag sa Batangas rally ni Presidential aspirant Isko Moreno.

Kasunod ito sa isinasagawang convention ng local party na One Batangas ngayong araw, October 15.

Wala pa namang tinutukoy ang DILG sa mga aspeto na posibleng nalabag sa Batangas rally ng Presidential aspirant Isko Moreno ngunit makikita sa video na maraming mga tao ang dumalo sa naturang convention.

Batay pa sa mga comment sa nai-post na video, ipinanawagan rin ng netizens sa Comelec upang itanong kung maituturing ba ito na premature campaigning.

Pinangungunahan ang One Batangas nina Senate President pro-tempore Ralph Recto at house deputy Speaker Vilma Santos-Recto, mga taga-suporta ng Isko-Willie Ong tandem.

SMNI NEWS