SMNI, kinilala bilang ‘Most Credible Media Company of the Year’

SMNI, kinilala bilang ‘Most Credible Media Company of the Year’

KINILALA bilang ‘Most Credible Media Company of the Year’ ng Gawad Agila ang advocacy ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa nation-building.

SMNI lamang ang tanging media company na kaagapay ng pamahalaan kontra insurhensiya.

Katuwang ng masa sa pagpapakita sa kabutihan ng gobyerno.

At totoo sa layuning i-promote ang mabuting gawa at asal sa telebisyon sa pamamagitan ng mga dekalibreng programa.

“Well because through the years…SMNI really deserve this award,” pahayag ni Jensen Turica, President, Gawad Agila Awards.

Nagpasalamat naman ang award-giving body sa patuloy na pagtulong ni Pastor Apollo sa mga Pilipino.

At nawa’y magpatuloy ito sa darating pang panahon.

“Pastor Quiboloy, in behalf of the Gawad Agila Awards..Thank you so much and more power to you Pastor,” ani Turica.

Kabilang din sa awardee sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Gawad Agila Awards.

Pati na rin sina Senators Bong Go, at Robin Padilla.

Sa kabuuan, mahigit sa 60 awards na ang natatanggap ng SMNI at ni Pastor Apollo mula sa iba’t ibang organisasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter