NAKALAAN para sa nation building ang Sonshine Media Network International (SMNI) ayon kay Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na Chairman ng SMNI.
Nangako si Pastor Apollo C. Quiboloy na gamit ang SMNI, ipakikila niya sa mga Pilipino kung sino ang mga lider na dapat iboto. Kung sino ang mga nagkukunwari at kung sino ang totoong nagmamahal sa bayan.
“Kaya ako ang magiging boses ninyo dito. Ako ang guide ninyo. Itong SMNI na ito it will be dedicated for a nation building and for putting up real leaders for this country and for all of us na ang resulta makikita natin. Peace and order, development,”ayon sa butihing Pastor.
“Ako po ang magiging boses ninyo, huwag kayong mag-alala. Mahal ko ang bayang ito, mahal natin ang lahat ng ito. Pero itong hindi nagmamahal na’to kanilang sarili ang minamahal nila, wala naman silang ginagawang kabutihan,”ayon kay Pastor Apollo.
Bukod sa mga programang kaagapay ng gobyerno sa nation building, mayorya sa mga programa ng SMNI ay nakalaan sa spiritual na kaliwanagan mula mismo sa butihing Pastor.
Samantala, binalaan naman ang taumbayan sa paglipana ng mga fake news at fake surveys.
Lalo na at papalapit na ang 2022 national and local elections.