MAPAGKATIWALAAN at patas sa pagbabalita.
Ayon kay Atty. Harry Roque, ito ang pangunahing rason kung bakit sa SMNI lang nagsalita si Justice Sec. Boying Remulla para sagutin ang pagkakasangkot ng kanyang anak sa iligal na droga.
Lalo pa’t ang nag-interview nito hinggil sa isyu ay walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Binanggit din ni Roque na napagkakatiwalaan nito ang SMNI kaya siya mismo ay nagpo-programa rito.
Ayon pa kay Roque, hindi dapat mabigla ang ibang media outlet kung bakit sa SMNI lumapit si SOJ Remulla at ‘wag nilang sisihin ang ibang tao kung meron silang tiwala at kumpiyansa sa ibang news sources.
Sa huli, naniniwala si Roque na hindi makikialam si Remulla sa kaso ng anak niya dahil may isa siyang salita at prinsipyo na siya namang inilahad ng kalihim sa eksklusibong panayam ng SMNI.