MULING tumanggap ng pagkilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa larangan ng pamamahayag at special reports for nation building.
Dalawang pagkilala ang iginawad ng World Class Philippines Council sa SMNI.
Tumanggap ng pagkilala bilang ‘Most Trusted Media Network in Broadcasting and Promoting Peace and Nation-Building’ ang SMNI.
Bukod dito, pinarangalan din ang programang ‘Special Report’ ng SMNI bilang ‘Most Informative Current Events Television Program’.
Ang mga naturang award ay iginawad ng World Class Philippines Council sa ginanap na awards night sa Okada Manila, gabi ng Miyerkules.
Samantala, sinabi ni Director Wilfredo Lemque, Jr., chairman ng awards committee ng nasabing award giving body, na ginawaran nila ng parangal ang SMNI dahil nagbibigay ito ng balance reporting at balance commentaries.
Sa kabilang banda, batid din ni Director Lemque ang iba’t ibang isyu na ipinupukol laban sa SMNI.
Pero aniya hindi sila nagpa-apekto rito, sabay binigyang-diin na ang kanilang paggawad ng award ay ‘based on performance’, at kung ano ang nagawa nito para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas, at nakita nila ang magandang gawa na ito, sa SMNI.
Bukod sa SMNI, ginawaran din ng World Class Philippines Council ng award o pagkilala ang ilang personalidad, kumpanya, at brands.
Sa larangan ng pagnenegosyo, kabilang sa tumanggap ng award ang RMG Perfume Collection.
Sa pangunguna ito ng CEO ng kumpanya na si Ms. Angelica Asiodche at founder na si Mr. Ryan Gallardo.
Pinasalamatan naman nina Angelica at Ryan ang World Class Philippines sa pagkilala sa tagumpay ng kanilang kumpanya.
Sa larangan naman ng musika, kabilang sa pinarangalan ang singer and song writer na si Jed madela, Marcelito Pomoy.
Pati rin ang Filipino composer at song writer na si Vehnee Saturno.
Nakatanggap din ng parangal ang Filipino singer and actress na si Kuh Ledesma.
Bukod sa mga nabanggit, kasama rin sa nagawaran ng award ang aktor na si John Arcilla, at iba pang personalidad.