NAIBENTA sa halagang $2.2-M ang isang pares ng sapatos na isinuot ni National Basketball Association (NBA) superstar Michael Jordan sa Sotheby’s auction.
Itinuturing ng naturang auction na ang nasabing halaga ay tiyak na isang record-breaking.
Ang nasabing sapatos ay ang “Bred” Air Jordan 13 na siyang isinuot ni Jordan noong game 2 ng 1998 NBA finals para sa ika-6 at huling NBA championship title nito sa Chicago Bulls.
Dahil dito tinagurian si Jordan bilang “most valuable athlete at auctions” para sa Sportswear Memorabilia.
Nahigitan ang sarili nitong sapatos na naibenta sa halagang $1.5-M noong Setyembre 2021.
Noong 2022 ay naibenta ang kaniyang jersey sa halagang $10.1-M na siyang itinuturing na pinakamahal na nabili sa isang auction na isinuot ng sinumang atleta.