Sobrang pag-inom ng redwine, unhealthy diet ngayong Kapaskuhan, masama –DOH

Sobrang pag-inom ng redwine, unhealthy diet ngayong Kapaskuhan, masama –DOH

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) na ang sobrang pag-inom ng red wine sa pagtitipon ngayong Kapaskuhan ay masama sa katawan ng tao.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, gaya ng ibang alcohol, kapag hindi moderate ang pag-inom sa red wine ay maaring magkasakit o magkagastritis.

Kaya paalala ng DOH, mag-ingat sa pag-inom nito kahit pa sinasabi na maganda sa puso ang pag-inom ng red wine.

Samantala, una na ring nagpaalala ang DOH sa iba pang sakit na maaring makuha tuwing holiday season.

Paalala ni Usec. Vergerie, dahan-dahan sa ating food intake o kinakain kapag dumadalo ng Christmas gatherings.

Ang unhealthy diet aniya ay maaring magpa-stroke o magdala ng heart disease sa isang tao.

Aniya, masama ang sobrang pagkain ng matatabang pagkain gaya ng lechon.

Follow SMNI NEWS in Twitter